|
||||||||
|
||
Manufacturing sector, nakabawi noong Marso
IBINALITA ni Socio-Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na nakabawi ang production volume at value noong nakalipas na Marso kaya't nagkaroon ng magandang paglago.
Ito ang unang pagkakataon na nagtamo ng magandang tayo ang manufacturing sector sa taong 2015 sa pagkakaroon ng 13.6% na kaunalran sa Value of Production Index samantalang ang Value of Production ay nakabawi sa negative position na mayroong 7.4% sa parehong buwan.
Ayon kay Kalihim Balisacan, naganap ito dahil sa malakas na performance ng karamihan ng sub-sectors tulad double digit growth sa tabako.basic metals at petroleum. Ipinaliwanag niyang ang pagbawi noong nakalipas na Marso ang magiging dahilan ng mas magandang performance para sa unang tatlong buwan ng taon.
Sa larangan ng consumer goods, ang production value ng tabako at inumin ay nanatiling masigla sa pagpapatupad ng uniform excise tax sa mga sigarilyong gawa sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Sa mga tinaguriang intermediate goods, ang production values, maliban sa wood products ay lumawak kung ihahambing sa naganap noong nakalipas na taon gawa ng petroleum, chemicals at mga tela. Ang petroleum ay nagkaroon ng 60% growth sa production value at 95.9% sa production volume.
Sa capital goods, nakita ang kaunlaran sa basic metals at transport production, sa iron and steel na binawi naman ng fabricated metal products and machinery na kinabilangan ng electrical.
Sinabi ni Director General Balisacan na ang kaunalran sa transport ay dahilan sa re-fleeting program ng pamahalaan na siyang nagpalago sa pangangailangan sa public utility sector.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |