|
||||||||
|
||
Manila Declaration: maasahan ng mga kababaihan sa ibang bansa
INILUNSAD ang isang malaking proyektong kabibilangan ng international call center na patatakbuhin ng Philippine Red Cross. Magagamit ang pasilidad ng lahat ng manggagawang nangibang-bansa at bubuo ng strategic partnership upang magkausap ang mga kinatawan at opisyal ng Red Cross at Red Crescent societies. Malaki rin ang posibilidad na makasama sa proyektong ito ang mga pamahalaan upang mabago ang mga pagtingin sa mga kasambahay.
Sana matanggal ang mga kasambahay sa kalagayan bilang mga utusan kungdi mga lehitimong kawani na hindi inaapi. May mga kinatawan ang Red Cross at Red Crescent societies sa 189 na bansa.
Batid na ng mga kabilang sa Red Crescent societies ang kanilang papel na gagampanan sapagkat malakas din ang kanilang tinig sa International Federation sa humanitarian intervention.
Bahrain at Qatar ang nangunguna sa mga bansang handang tumanggap ng mga panawagan at reklamo ng mga kababaihang nasa iba't ibang mga tahanan sa kanilang mga lungsod at bayan.
Iminungkahi ng mga kinatawan ng Bahrain na patawan ng bond ang mga recruitment agencies sa kanilang bansa upang may pagkunan ng kaukulang halagang kailangan ng mga naging biktima ng pang-aabuso at pananakit. Maraming mga panukalang nakatakdang ipatupad upang patuloy na mabawasan ang pagpapahirap sa mga kababaihang naglilingkod sa mga tahanan.
Susunod na pagpupulong ang gagawin sa Doha, Qatar sa darating na Setyembre upang masuri ang ang progresong makakamtan mula ngayon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |