|
||||||||
|
||
APEC Senior Officials Meeting sa Counter Terrorism, natapos na
NATAPOS kahapon ang APEC Counter Terrorism Working Group ng kanilang ika-limang pagpupulong sa Boracay bilang bahagi ng APEC Senior Officials Meeting II. Naging mainit ang pagtanggap ng mga kasamang ekonomiya sa pulong.
Sa unang araw ng kanilang pagpupulong, pinag-usapan ng mga kalahok ang Strategic Plan na sinimulan noong 2013 at magtatapos sa 2017. Sinuri nila ang pagpapatupad nito. Ayon kay CTWG Chairman Oscar Valenzuela, dating police director mula sa Pilipinas, ang mga kasaping ekonomiya ay nararapat sumunod sa nilalamang mga layunin ng Strategic Plan. Bagaman, maaari itong baguhin ayon sa pangangailangan ng panahon.
Kasama sa programa ang pagkakaroon ng Secure Trade in the APEC Region o STAR initiative. Kinabibilangan ito ng pagtiyak sa seguridad ng kargamento, pagbibigay ng protekson sa mga taong naglalakbay, maipagtanggol ang mga barkong nasa pandaigdigang kalakal at paglalakbay ng mga eroplano. Layunin ding mapigil ang pagdaloy ng salapi tungo sa mga terorista. Kailangan ding magkaroon ng cyber-security.
Nagsalita rin sa pulong si Hernan Longo, ang kinatawan ng United Nations Office on Drugs and Crime Regional Office for Southeast Asia and The Pacific. Ipinakita niya ang legal framework ng terorismo at mga ginagawa ng kanyang tanggapan hinggil sa bagay na ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |