|
||||||||
|
||
Wanting Qu
|
May talent si Wanting sa musika noong pa bata siya. Noong 2 o 3 taong gulang pa, mainit na inilabas sa TV ang isang TV series. kapag gumising si Wanting, bago buksan niya ang mga mata, kumanta siya ng theme song ng TV series.
Noong 6 taong gulang, mayroon siyang unang piano. Maganda ang kanyang taynga at alaala, pagkaraang makinig ang isang kanta, puwedeng tumugtog siya. Pagkaraang high school, pumunta siya sa Kanada para mag-aral. Doon, alam niya ang mas malawak na daigdig ng musika. Noong 2004, naganap sa Vancouver ang singing contest, lumahok si Wanting at kumanta siya ng "Thank You " ni Dido Florian. Tinanggap niya ang maraming palakpak mula sa mga di-pamilyar na dayuhan at nakuha niya ang unang puwesto. Mula noon, alam na niyang walang hanggahan ang musika.
Noong 2005, sinimulan niyang gumawa ng sariling kanta para ipahayag ang kalooban. Ang una niyang awitin ay ang "Drenched." Ito ay para sa kanyang dating nobyo. Mula noon, marami siyang gumawa ng kanta. Ang isa sa mga ito ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa mga tao. Ito ay pinamagatang "Hide Away." Sa kantang ito, inilarawan niya ang isang tatay, kaunti ang salita, hindi nagsabi ng pagmahal sa anak, pero ipinakita ito sa pamamagitan ng aksyon. Nilikha ito ni Wanting pagkaraan ng kaarawan ng tatay.
Ang unang turning point sa karera ni Wanting ay natagpuan si Terry, CEO ng Nettwerk, top company ng musika sa Kanada. Kabilang sa kompanya ay sina Avril Lavigne, kilalalang mang-aawit sa daigdig, Sarah McLachlan, musician na nagtanghal sa seremonya ng pagbubukas ng Winter Olympic Games, at iba pang musician.
Ayon kay Wanting, bago pumasok sa Nettwerk, nakinig ni Terry ang kanyang album na pinamagatang "Love I Am." Napakagusto niya ito. Sabi ni Terry na puwede gumawa si Wanting ng mga kanta kapwa sa Ingles at Tsino, nakaantig siya sa titik at timig ng mga kanta, magaling din si Wanting sa pag-awit. Umaasa aniyang magiging si Wanting ng unang mang-aawit na Tsino sa kompanyang ito.
Dahil may propesyonal na pagsasanay at tulong, malaki ang progreso ni Wanting sa Nettwerk. Hanggang ngayon, nilikha na niya ang mahigit 40 kanta. Ang "Come into My Dream," "Everything in The World" at "Life is Like a Song" ay pinili ng Mercedes-Benz Ltd bilang commercial song at malawak na sumisikat sa mga kotse, magazi, website, at iba pang okasyon may kinalaman sa Bezs o kotse. At naging napakapopular ngayon ng mga ito.
Noong 2012, pumasok siya sa Universal Music Group, pinakamalaking kompanya ng CD sa daigdig at inilabas ang unang creative album na pinamagatang "Come into My Dream." Noong taong iyon, nakuha niya ang 12 nominate sa 20th Chinese Song List, at kumata ng "Come into My Dream" sa seremonya sa pagbibigay ng gantimpala.
Bukod sa magandang karera, matamis ang pag-ibig ngayon ni Wanting. Noong unang dako ng taong ito, kinilala sa media ni Gergor Robertson, 18 taong gulang na matanda kay Wanting at alkalde ng Vancouver, na nag-nobyo sila ni Wanting.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |