|
||||||||
|
||
Bagong pinuno ng Philippine National Police, maglilinis
SISIMULAN na ang ibayong paglilinis ng hanay ng pulisya sa ilalim ni Director General Ricardo Marquez.
Ito ang kanyang mensahe sa idinaos na flag-raising ceremonies sa Campo Crame kaninang umaga. Nais niyang mawala ang mga masasamang pulis at malinis din ang mga palikuran sa loob ng lahat ng kampo. Nanawagan siya sa mga opisyal at mga tauhan ng pulisya na magtulungan upang mapanatiling malinis ang punong tanggapan ng PNP sa Campo Crame.
Matapos ang pagpaparating ng kanyang mensahe, pinulong niya ang lahat ng district directors ng Metro manila upang pag-usapan ang lahat ng mga programa sa susunod na 12 hanggang 14 na buwan.
Kailangan umano ng mekanismo upang mai-angat ang kalagayan ng mga pulis. Nakalulungkot umanong mabasa sa mga pahayagan ang pagkakasangkot ng mga pulis sa illegal activities. Walang pagbabago kung hindi magpapatupad ng kailangang programa dagdag pa ni Director General Marquez.
Nais din niyang parangalan ang mga magagaling na tauhan ng pulisya. Maglalabas na rin sila ng pulis sa mga lansangan upang maibsan ang mga krimeng nagaganap.
Gagawaran din ng angkop na pabuya ang mga magagaling na tauhan ng pulisya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |