|
||||||||
|
||
Mga mangingisda, nawawala sa Pangasinan
MAY 11 mga mangingisda mula sa Infanta, Pangasinan ang nawawala mula pa noong Sabado.
Ayon kay Charlito Maniago, ang barangay chairman ng Cato, Infanta, umalis ang mga mangingisda at pumalaot noong nakalipas na Miyerkoles kasabay ng malakas na buhos ng ulan sa hilagang Luzon na nagdala ng malalaking alon sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.
Ang pinakahuling balita sa mga mangingisda ay nakamtan noong ikalawa ng hapon noong Sabado bago lumubog ang kanilang bangkang sinasakyan.
May 80 milya umano ang kanilang bangka mula sa Bolinao, Pangasinan.
Itinali na umano ng mga mangingisda ang kanilang mga sarili sa payao o bahay-isda. Anang barangay official, pinipigilan na nila ang mga mangingisda na pumalaot sa laki ng alon subalit wala umanong kakainin ang mga ito kung hindi mangingisda.
May nakausap na silang ibang mangingisda at hiningan ng tulong na iligtas ang mga nawawalang mangingisda. Hindi lamang makapaglayag ang mga ito dahilan sa laki ng alon kaya't hindi matulungan ang mga biktima.
Ayon kay Lt. Sr. Grade Alexander Corpuz, commander ng Philippine Coast Guard sa Sual, isang barko ng United States Navy ang nakapag-ligtas sa mga mangingisda.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |