Sa panahon ng paghahanda para sa 2008 Beijing Olympic Games, maraming kanta na may kinalaman sa Olympics ang naging kilala na gaya ng "Welcome to Beijing." Ang mga kantang ito ay hindi lamang nagpapakita ng pagwelkam ng mga mamamayang Tsino sa Olympiyada, kundi naging mahalagang bahagi din ng kultura ng Olympiyada.
Ngayon, naghahanda ulit ang Beijing at lunsod ng Zhang Jiakou, probinsya ng Hebei, sa may bandang hilaga ng Beijing, para sa pagbibid sa 2022 Winter Olympic Games. Para rito, nilikha ang mga kanta para mapalapit ang Olympiyada at mga mamamayan.
Karaniwan ang winter sports para sa mga estudyante ng nasabing paaralan. Si Zhao Jialin ay nasa grade 5. Kahit 11 taong gulang pa lamang siya, 4 na taon na siyang nagsasanay sa skiing. Ayon sa kanya, lahos lahat ng weekend ay kasama niya ang kanyang buong pamilya sa skiing park sa Zhang Jiakou. Gusto niya ang kasiglahan na dulot ng skiing. Ngayon, mayroon nang indoor skiing park at puwede nang maglaro ang mga tao kahit sa tag-init.
Sa pagpapalaganap ng mga kanta para sa Winter Olympics, ibinahagi ni Li Nina, world champion ng Freestyle Skiing Aerials at ambassador ng Olmpic application, ang kanyang karanasan hinggil sa skiing. Aniya, hindi lamang masuwerte ang mga world champion, kundi masipag sila. Aniya pa, kailangang kailangan ang sapat na pagsasanay para makuha ang tagumpay.
Kasabay ng paglaganap ng winter sports sa Tsina, sa 2022, ang mga estudyante sa iba't ibang elementary school ay posibleng maging volenteer ng Winter Olympics. Ang mas mahalaga ay magiging masaya ang mga bata dahil sa winter sports sa mas mahabang panahon sa hinaharap.