Si Peng Liyuan ay isang napakasikat at magaling na folk singer sa Tsina. Siya ngayon ay mainit na pinag-uusapan, hindi lamang sa Tsina, kundi sa ibang mga bansa rin. Si Peng ay naging Unang Ginang ng bansa noong Marso ng taong 2013.
Pero, mula pa man noong 1980's, si Peng Liyuan ay kilala sa Tsina. Noong 1982, idinaos ang kauna-unahang Spring Festival Gala ng CCTV, pambansang TV station ng Tsina, at kinanta ni Peng ang dalawang awit sa gala na ito. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataong nakilala si Peng ng mga manonood ng buong bansa. Ang dalawang awit na kinanta ni Peng ay "On the Hopeful Field " at "I Love You, the Snow in Northeastern China." Noong 1980's, kapuwa ang mga nasabing awit ay naging popular sa Tsina.
Noong 1980's, si Peng Liyuan ay naging isa sa mga pinakakilalang mang-aawit ng Tsina. Ang kanyang teknik sa pagkanta ay itinuturing na isa sa mga pinakamagaling sa Tsina. At para mapataas pa ang kanyang kakayahan, ipinagpatuloy ni Peng ang pag-aaral. Noong 1990, natamo ni Peng ang Master's Degree mula sa Central Conservatory of Music, isa sa mga pinka-prestihiyosong paaralan ng musika ng Tsina. At siya ang naging unang graduate student na may Master's Degree sa larangan ng Chinese folk music sa buong Tsina.
Si Peng Liyuan ay galing sa isang maliit na bayan sa Lalawigang Shandong. Ang kanyang hometown ay malapit sa Bundok ng Yimeng. Dahil dito, lagi niyang tinatawag ang sarili na "anak na babae ng Shandong." Mya isa pang masterpiece si Peng na gustung-gusto niyang awitin sa iba't ibang performance, ito ay ang "Kababayan."
Noong 1987, nagpakasal sina Peng Liyuan at Xi Jinping. Ngayon, bilang First Lady ng Tsina, ang mga kilos at damit ni Peng Liyuan, habang kasama sa biyahe ang Pangulo ay tila naging isang uso sa Tsina; at madalas na bansagang "Liyuan Style." Mula noong 2012 hanggang sa kasalukuyan, si Peng liyuan ay presidente ng PLA Arts College. Bukod dito, si Peng ay boluntaryo rin ng pamahalaang Tsino sa pagpapalaganap ng mga kaalaman hinggil sa AIDS at Espesyal na Sugo ng United Nations International Children's Emergency Fund.