|
||||||||
|
||
Tayu Lo
|
Si Tayu Lo ay tinatawag na "Godfather ng Musika" ng Taiwan. Kapag napag-usapan si Tayu Lo, hindi maiiwasang mabanggit ang "Kabataan," isa sa mga napakakilalang kanta ni Lo at alam kantahin ng halos lahat ng mga nagkamalay noong dekada 70 at 80. Sa "Kabataan," inilarawan niya ang pag-alaala sa kanyang pagkabata at paghanga sa mga bata.
Hindi tulad ng karaniwang pamilya, ipinanganak si Lo sa pamilya ng mga doktor, at mahigpit ang kanilang mga magulang. Noong bata pa siya, tumahak siya sa landas ng medisina.
Nag-aral siya ng piano noong 6 na taong gulang siya, dahil ayon sa kanyang mga magulang, kapag tumutugtog siya ng piano, mawawalan siya ng oras na magbulakbol at maglakwatsa.
Si Lo ay 19 na taong nag-aral ng medisina. Noong nasa kolehiyo, isinulat ni Lo ang "Kabataan" para ipahayag ang kanyang paghanga sa ibang mga bata.
Tungkol sa pag-ibig, inilarawan niya ito sa kanyang serye ng mga kanta na "Love 1980," "Love 1990" at "Love 2000."
Ayon kay Lo, walang pag-ibig na walang hanggahan. Labinsiyam na taon siyang kasal sa kanyang dating asawa, at maraming mga kanta ang naglalarawan ng kanyang damdamin at karanasan tungkol sa pag-ibig. Tungkol sa love song, sabi ni Lo, kailangan ng sigla sa paglikha ng kanta, ngunit, hindi nangangahulugang kailangan din ang masalimuot na relasyon.
Sa mga kanta ni Lo, isa sa mga talagang sumikat sa mga kabataan ay ang "Master of the Future." Sa kantang ito, ipinahayag ni Lo ang kanyang pag-asa sa mga master of the future. Sa isang linya ng kanta, na "huwag maging batang may nakasabit na susi sa leeg." Ibig sabihin, dapat may sariling isip ang mga bata, sa halip na sunud-sunuran lang sa mga salita ng mga magulang.
Ngayon, lumaki na ang nasabing mga bata, at 50 taong gulang na si Lo. Umaasa siyang hindi na mauulit ang parehong paraan ng edukasyon ng kanyang mga magulang sa ibang mga bata. Aniya pa, ang master of the future ay puwedeng bata, puwede ring matanda.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |