|
||||||||
|
||
Maarte Lin Hai
|
Si Lin Hai ay nagiging kilala dahil sa mga soundtrack ng pelikula at TV drama. Siya ngayon ay isa sa mga pinakapopular composer ng Tsina. Kabisadong kabisado ng maraming tagasubaybay ang mga musikang nilikha niya.
Ang musikang ito ay tinugtog gamit ang Pipa, isang sinaunang instrumento ng Tsina. Kasama nito, mayroon ding iba pang mga instrumento gaya ng violin at piano. Ang "Pipa Says" ay soundtrack ng pelikulang "Letter from an Unknown Woman." Ang kuwento ay hinggil sa "secret love." Tinanggap ng isang lalaki ang mensahe mula sa isang di-kilalang babae, na nagsasabing sa mula't mula pa'y inibig na niya ang lalaki.
Sa kasalukuyan, maraming ang may-gusto sa soundtrack. Kumpara sa ibang uri ng musika, ang soundtrack ay parang kuwento. Nakilala at tinanggap ng maraming tagasubaybay si Lin Hai dahil sa soundtrack ng TV drama na "Da Ming Gong Ci" o "Daming Palace." Ang kuwento ay hinggil sa buhay ng isang prinsesa ng Dinastiyang Tang ng Tsina.
Sa unang bahagi ng musika, ginagamit ang "Xiao," isang sinaunang instrumento ng Tsina, at sa huling hati, lumipat ang pangunahing instrumento mula "Xiao" sa piano. Ayon sa mga critic, si Lin Hai ay isang composer na "Occidental on the left hand, Oriental on right the hand".
Gustung-gusto ni Lin na gamitin ang piano sa kanyang mga musika. Sa kolehiyo, ang major ni Lin ay piano, kasi, sobrang husay niya sa pagtugtog nito. Sa kolehiyo, lumahok siya sa isa sa mga pinakamataas na piano contest sa daigdig, "Van Cliburn International Piano Competition." Siya ang naging kauna-unahang Tsino na pumasok sa finals.
Ayon sa mga music critic, si Lin Hai ay may kapuwa estilo ni Chopin at elegance ni Debussy. Ang katangiang ito ay makikita sa kanyang mga light music works.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |