Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aarif Lee

(GMT+08:00) 2015-07-03 17:04:45       CRI

Dahil sa kanyang hutsura at mainam na backgroud, Si Aarif Lee ay itinuturing na "Little Leehom Wang."  Kahit 28 taong gulang pa lamang siya, kilala na siya bilang aktor at singer.

Bakit siya tinawag na "Little Leehom?" Una, dahil sa hitsura. Kamukha at kasing guwapo ni Aarif si Lee Hoom. Bukod dito, matangkad din siya.

Ikalawa, may talento rin siya sa musika, Maaga siyang nagsimula sa pag-aaral ng musika. Noong middle school, 8 hanggang 10 oras na nag-aral gumitara si Aarif, bawat araw. Nang maging 17 taong gulang siya, natagpuan ni Aarif si Leon Lai Ming at nakapasok sa "A MUSIC" company.

Noong nasa kolehiyo, kahit ang major niya ay physics sa Imperial College ng Britanya, Nagpursige siya sa pagsusulat ng kanta at ipinadala niya ang mga ito sa A MUSIC. Noong 2008, bumalik siya sa Hong Kong at sinimulan ang kanyang karera.

Noong 2009, inilabas niya ang unang album na pinamagatang "Starting Today." Ang kanta na pinamagatang "Echoes Of The Rainbow" ay nakakuha ng Best Original Film Song sa Ika-29 na Hong Kong Film Award.

Ang "Echoes Of The Rainbow" ay theme song ng pelikulang may katulad na pamagat. Dahil sa mahusay na pagganap sa pelikula, nakuha naman ni Aarif ang Best New Actor sa nasabing award. Mula noon, bukod sa pagkanta, madalas na siyang gumanap ng leading role sa mga pelikula. Siya rin ang kumakanta sa mga theme song ng kanyang mga pelikula.

Sa pelikulang "One Night Surprise," gumanap siya bilang bidang lalaki at naging true love ni Fan Bingbing, pinakamaganda at pinakamayamang aktress ng Tsina. Kinanta rin niya ang theme song ng pelikula. Ito ay pinamagatang "One Night Surprise."

Dahil sa guwapong hitsura at mahusay na pagganap, parami nang parami ang papel ni Aarif sa TV series at pelikula. Sa katatapos na TV series na "Empress Wu Mei Niang," gumanap si Aarif bilang Emperor Li Zhi.

Sa taong ito, nakuha naman ng kanyang single song "Fly" ang best Best Song ng Hong Kong annual Golden Melody sa Channel V.

May Kinalamang Babasahin
maarte
v Composer na Tsino-Lin Hai 2015-06-30 15:23:09
v First Lady-Peng Liyuan 2015-06-18 13:39:56
v Wanting Qu 2015-06-09 15:23:04
v Gong Linna 2015-06-03 17:02:04
v Chopsticks Brothers 2015-05-28 16:39:46
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>