Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

TF Boys

(GMT+08:00) 2015-08-04 15:17:33       CRI

Kung tatanungin n'yo kung sino ang kasalukuyang pinakapopular na idol sa Tsina, ang sagot ay nasa dalawang kalalabas na Guinness World Record. Noong ika-21 ng Setyembre ng taong 2014, sa bisperas ng kanyang ika-15 kaarawan, isang mensahe sa kanyang social media page ang ipinalabas ni Karry Wang, lider ng boy group na TFBoys. Pagkaraan ng halos isang taon, noong ika-19 ng Hunyo 2015, umabot sa mahigit 42 milyon ang bilang ng mga repost ng mensaheng ito. Ito ang mensaheng may pinakamaraming repost.

Tanong, ano ang nilalaman ng mensahe? Aniya, "ngayon ay araw ng aking ika-15 taong kaarawan. Salamat sa inyong laging pagsuporta sa akin. Kakantahin ko ang awit na Ako ay 15 Taong Gulang Na, hindi lamang para sa aking kaarawan, kundi para sa inyong lahat."

Ang TFBoys ay isang boy group na binubuo ng tatlong batang lalaki. Ang kanilang mga edad ay mula 14 hanggang 16. Ngayon, si Karry ay 16 taong gulang na, at siya ang pinakamatanda sa grupo. Hindi pa umabot sa 15 ang iba pang dalawang miyembro——sina Roy at Jackson. Talagang bata pa sila, pero, sa kasalukuyan, sila ang pinakapopular na idol sa Tsina. Ang kanilang mga tagasunod ay hindi lamang mga bata, kundi mga grown up din. Ipinalabas nila noong Hunyo ang kanilang pinkabagong awit, "Beloved" at ito ay mabilis na naging popular.

Bakit ang kanilang grupo ay tinawag na "TFboys?" Ito ay mula sa buong pangalan ng grupo na "THE FINGTING BOYS." Sila ay pinili mula sa mga trainee ng TF family. May iba pang mga miyembro ang TF Family. Pero, sila ay napakabata pa. Ayon sa regulasyon ng kompanya, ang mga batang hindi pa umabot sa 12 ay maaaring maging trainee lamang. Maraming bata ang gustong pumasok sa entertainment circle at maging isang star, ang tatlong miyembro ng TF Boys ang kauna-unahang batch ng mga batang lalaki ng TF Family na pumasok sa entertainment market.

Ang sistema ng trainee ay nilikha ng Hapon. Sa kasalukuyan, halos lahat ng mga agency ng Timog Korea ay sumusunod sa mekanismong ito. Ang sistema ng trainee ay batayan ng kasaganaan ng entertainment industry ng Timog Korea. Ang kompanya ng TF Boys na "Shi Dai Feng Jun" ang kauna-unahang matagumpay na agency na nagpatupad ng sisitema ng trainee sa Tsina.

Para sa mga bata, ang pagiging star ay lucky, pero ito rin ay isang hamon para sa buong buhay.

May Kinalamang Babasahin
maarte
v The Moon Reflected In Er-quan 2015-07-29 17:46:47
v Mga kanta para sa Winter Olympics 2015-07-22 18:07:50
v Bella Yao 2015-07-14 16:46:32
v Tayu Lo 2015-07-10 15:31:20
v Aarif Lee 2015-07-03 17:04:45
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>