Si Gao Xiaosong ay isang multi-talented na lalaki. Siya ay musician, director, producer, screenwriter, at CEO. Bukod dito, hindi karaniwan ang kanyang karanasan. Nag-aral siya sa Tsinghua University, isa sa mga pinakamabuting unibersidad ng Tsina, pero, hindi siya natapos ng pag-aaral. Ang tatay niya ay isang propesor sa Tsinghua University at ang nanay naman ay isang kilalang arkitekto. Pero, ang karera niya ay walang kinalaman sa siyensiya o pagtuturo.
Ang katang "My Deskmate" ni Gao Xiaosong ay isang awitin sa kanyang unang album na pinamagatang "Folk Songs sa Campus." Mula rito, sinimulan tumahak ni Gao sa landas ng paggawa ng folk songs. Ginawa niya ang kantang ito noong summer break niya sa Tsinghua Unversity. Binuo nila ni Lao Lang ang isang banda. Gusto nilang mag-perform sa isang restawran sa probinsyang Hainan. Pero, dahil kulang sa pera, hindi sila umabot doon at, umabot lang sa tabi ng Xiamen University. Bukod sa kantang ito, gumawa pa sila ng mga kata tungkol sa kanilang karanasan, damdamin, at iba pang may kinalaman sa unibersidad.
Noong 1994, tumigil siya ng pag-aaral sa Tsinghua University dahil hindi siya interesado sa kanyang kurso. Inilabas niya ang unang album na binubuo ng mga kantang ginawa niya sa Xiamen. Biglang naging kilala ang isa sa kanyang awiting pinamagatang My Deskmate," at nakuha nito ang maraming award, gaya ng best song, best lyrics, at best rythm.
Noong 1996, inilabas ni Gao ang album na pinamagatang "Walang pagsisisi ang kabataan." Ito ay itinuturing na modelo ng orihinal na musika ng Tsina.
Bukod sa paglikha ng sariling kanta. Ginawa din ni Gao ang lyrics at ritmo para sa maraming kilalang mang-aawit. Halimbawa, ang lyrics ng awiting "All Things Grow" ay ginawa ni Gao para kay Dingding, unang mang-aawit na Tsino na nakakuha ng World Music Award ng BBC.
Hindi marami ang kantang ginwa ni Gao. Hanggang ngayon, mga 50 lang ang mga ito. Ngunit, halos bawat kanta niya ay naging klasiko.