Si Hou Xian ay hindi lamang singer, kundi isang musician. Ang lahat ng kanyang mga kanta ay may dalawang katangian: una, ang melody ay gusto ng mga kabatahan; pangalawa, ang awit ay may tradisyonal na katangiang Tsino.
Si Hou Xian ay nagsimulang lumikha ng mga kanta noong siya ay nasa kolehiyo. Noong siya ay nasa 3rd year college, taong 2000, pumasok sa TOP 10 ng music pioneer billboard sa taong iyan ang isa sa kanyang mga awit. At ang awit na ito ay tuluy-tuloy na nanatili sa unang puwesto sa loob ng 5 linggo. Ito ay lumikha ng record. Ang awit na ito ay "Grey Rose," inilarawan ng lyrics ang kanyang first love.
Mula sa kanyang kauna-unahang awit, binuo ni Hou Xian ang kanyang sariling estilo na pinagsamang luma at makabago. Ito ay malawakang tinanggap ng mga kabatahan. Pagkaraan niyang ipalabas ang awit na "Story of Bridge" noong 2004, bumulusok paitaas ang kasikatan ni Hou Xian sa buong Tsina. Kadalasang makikita ang pangalan niya o kanyang mga awit sa TOP 10 ng halos lahat ng music search-engine.
Sampung taon na ang nakalipas, nagsimulang makilala sa Tsina ang estilong kung tawagin ay Chinese Wind." Ito ay pagkanta sa pamamagitan ng paghahalo ng tradisyonal na Chinese music at rap. Ang pinakakilalang gumagawa nito ay si Jay Chou. Siya ang naging "music king" sa panahong iyan. At si Hou Xian naman ay isa pang talented singer and musician na sumusunod sa estilong ito. Kahit hindi siya kasing kilala ni Jay Chou, marami din ang kanyang fans. Noong 2005, ipinalabas ni Hou Xian ang kanyang kauna-unahang album na pinamagatang "Ancient Fun," at lahat ng mga awit sa album na ito ay may estilo ng "Chinese Wind." Naging matagumpay ang album na ito.
Ang pangalang "Xi Xiang" ay hango sa isang classical romantic story ng Tsina; ang "Story of Xixiang." Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang babaeng mula sa mayamang pamilya na na-in love sa isang mahirap na estudyante. Noong sinaunang panahon sa Tsina, ang babae ay hindi puwedeng pumili ng mapapangasawa, sa halip, ang kanyang mga magulang ang nagdedesisyon. Ang kuwento ay hinggil sa "free love." Maraming mga awit ni Hou Xian ay hango mula sa mga sinaunang romantic story.