Senate President Drilon at Speaker Belmonte, nag-usap
NAGPULONG sina Senate President Franklin M. Drilon at House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. kanina at nagkasundo sa talaan ng mga nakabimbing mga panukalang batas na bibigyang pansin bago magtapos ng sesyon sa ika-walo ng Oktubre.
Nangunguna sa kanilang prayoridad ang 2016 Budget at ang Bangsamoro basic Law at ang Sangguniang Kabataan Reform Law na nakapasa na sa magkabilang kongreso, ang pagbuo ng Department of Information and Communications Technology, ang Tax Incentives Management and Transparency Act na nasa bicameral conference committee, pagsusog sa Build-Operate-Transfer Law, pagsusog sa Customs and Tariff Modernization Act, pagbabalik-aral sa Revised Penal Code hinggil sa mga multa.
Dumalo rin sa pulong sina Senador Ralph Recto at mga Congresistang sina Miro Quimbo, Neptali Gonzales at Ronaldo Zamora.
1 2 3 4