NAGBABANTAY ang mga tauhan ng Department of Foreign Affairs sa Maynila at sa Embahada ng Pilipinas sa Seoul, South Korea matapos ang manakanakang pagpapalitan ng putok sa pag-itan ng Democratic People's Republic of Korea at Republic of Korea.
Ito ang pahayag ng Department of Foreign Affairs kanina matapos ang serye ng putukan sa pagitan ng dalawang bansa.
Nanawagan ang Pilipinas sa magkabilang-panig na maging mahinahon kasabay ng pakiusap na pigilan ang pag-init ng tensyon at panatiliin ang pangrehiyong kapayapaan at katatagan.
Mayroong higit sa 50,000 mga Filipino sa Timog Korea.
1 2 3 4 5 6