PAGLILIPAT NG LIMBAGAN ANG DAHILAN. Sinabi ni Foreign Secretary Albert F. del Rosario na walang anumang kasalanan ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa pagkabalam ng paglilimbag ng mga pasaporte. (File Photo ni Melo M. Acuna)
SINABI ni Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario na walang kasalanan ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa pagkabalam ng paglimbag ng mga pasaporte.
Sa isang pahayag na inilabas ngayong hapon, sinabi ni G. del Rosario na hindi inaasahan ang pagkabalam ng paglimbag ng mga pasaporte dahil sa "technical difficulties" dahilan sa paglilipat ng mga pasilidad mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas patungo sa bagong tanggapan sa Batangas. Ang problemang ito ay malulutas sa loob ng isang buwan.
Hindi umano tama ang lumabas sa media na isinisisi sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagkabalam ng paglilimbag. Isang mahalagang kabalikat ng Department of Foreign Affairs ang BSP at katanggap-tanggap ang kanilang mga nagawa sa mga nalipas na panahon, tulad ng inaasahan ng madla.
Lubhang ikinalulungkot ni G. del Rosario na ang kanilang unang pahayag ay nagdulot ng maling akala sa kalidad ng paghahatid ng mga dokumento sa mga nangangailangan ng mga bagong pasaporte.
1 2 3 4 5 6