Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga armado, nasa likod ng pagdukot sa tatlong banyaga at isang Filipina

(GMT+08:00) 2015-09-22 17:25:13       CRI

Mga armado, nasa likod ng pagdukot sa tatlong banyaga at isang Filipina

ISANG malawakang operasyon ang inilunsad upang iligtas ang apat kataong dinukot ng mga armadong kalalakihan sa isang resort sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte kagabi.

Ayon kay Sr. Supt. Samuel Gadingan, Davao del Norte police director, ang mga biktima ay binubuo ng dalawang Canadian, isang Norwegian at isang Filipina.

Ayon kay Gadingan, naganap ang insidente samantalang ang mga biktima ay sakay ng isang yateng nakadaong sa Holiday Oceanview Resort sa Camudmod, Babak District ng dukutin ng mga armado pasado ika-labing isa ng gabi kagabi.

May 11 armado ang dumating sakay ng bangka at ilan ang nagtungo sa yate, kumabot ay puwersahang tinangay ang mga biktima sa kanilang mga bangkang de motor bago tumakas.

Kinilala ang mga Candian na sina John Ridsel at Robert Hall samantalang ang Norwegian ay isang Kjartan Sekkingstad. Naninirahan na ang mga turista sa resort sa nakalipas na dalawang buwan. Ang Norwegian ang caretaker ng yate samantalang ang Filipino ay katipan ng isa sa mga Canadian.

Naglunsad ng oeprasyon ang mga pulis sa Compostela Valley at Davao oriental at inaalam na kung anong grupo ang nasa likod ng pagdukot. Ito ang kauna-unahang pagdukot sa Davao region, lalo na sa Samal Island mula noong 2001 ng pagtangkaan ng mga Abu Sayyaff na pasukin ang isang popular na resort.

Hiniling na ng pulisya ang footage mula sa close-circuit televison upang makatulong sa imbestigasyon.

Samantala, abala na ang mga tauhan ng Philippine Navy sa Sulu kasunod ng pagdukot sa mga banyaga sa Samal Island kagabi.

Ang mga barkong PS 32 na kilala sa pangalang BRP Iloilo at PG 381 (Dioscoro Papa) at PPG 390 (Jose Loor) ang nagpapatrolya na sa karagatan.

Malaki umano ang posibilidad na dalhin ang mga binihag sa Sulu. Karaniwang ipiangbibili ang mga biktima sa Abu Sayyaff bagama't hindi pa kilala ang mga may kagagawan nito.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>