|
||||||||
|
||
INAMIN ni Presidential Peace Adviser Teresita Quintos-Deles na lubhang bumagal ang proseso ng pagpapasa sa Bangsamoro Basic Law mula ng maganap ang madugong sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao.
Sa kanyang pagharap sa Foreign Correspondents Association of the Philippines, sinabi ni G. Quintos-Deles na mula noong Pebrero ay humigpit na ang kanilang oportunidad na maipasa ang panukalang batas sa pagsisimula ng campaign period sa darating na Pebrero para sa pambansang halalan at sa Marso sa pamahalaang lokal. Ipagbabawal na ang paghirang kaninoman sa pamahalaan hanggang sumapit ang 30 matapos ang huling araw ng Hunyo.
Kung sakaling makapasa ang BBL, kailangang magkaroon ng plebesito na pangangasiwaan ng Commission on Elections na abala naman sa darating na halalan.
Hindi naman ito nanganganhulugan na umaatras na sila sa kanilang adhikain. Mayroong mga substitute bills na pinag-uusapan na sa Kongreso at Senado. Tuloy ang talakayan sa Senado. Kinikilala rin ang Marcos substitute bill para sa mas malalim na pagsusuri.
Sa likod ng mga pangyayaring ito, sinabi ni Gng. Quintos-Deles na nanindigan ang dalawang kapulungan na maipapasa nila ang BBL sa pagtatapos ng Setyembre o sa unang bahagi ng Oktubre. Kailangang maipasa ito bago magtapos ang sesyon ng dalawang kapulungan sa ika-sampu ng Oktubre.
Ibinalita pa ng kalihim na iba't ibang sektor ng lipunan ang nagpahayag ng suporta para sa Bangsamoro Basic Law.
Kahit pa suportado na rin ng international community ang peace process, hindi kailanman magiging madali ang pagkakamit ng kapayapaan. Marami pa ring katanungan kung ano ang magaganap kung hindi maipapasa at maging batas ang BBL bago pa man ang filing ng certificates of candidacy. Ano ang magiging batas at para sa anong posisyon ang nanaisin ng mga kakakndidatyo para sa ARMM at sa panukalang Bangsamoro? Anong magaganap na transition period?
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |