|
||||||||
|
||
melo
|
SINABI ni Health Secretary Janette Garin na umabot na sa 101 katao ang kanilang nasuri matapos masawi ang isang Saudi national dahil sa Middle East Respiratory Syndrome – Corona Virus o MERS-CoV kamakailan.
Sa isang mensaheng ipinadala ni Secretary Garin, 15 sa mga ito ang may sintomas ng MERS-CoV subalit lilima lamang ang kanilang masusing sinusubaybayan. Ang 15 ay kinatagpuan ng negative results.
Niliwanag niyang kahit pa negatibo ang mga ito sa MERS-CoV, tuloy ang kanilang pagbabantay hanggang sa susunod na Martes at Miyerkoles, ika-13 hanggang ika-14 ng Oktubre bago masabing tuluyan na MERS-CoV-Free ang Pilipinas.
Sa tanong kung makaapekto ba ito sa darating na Asia-Pacific Economic Confrence sa Nobyembre, sinabi ni Secretary Garin na walang epekto ang naganap na pagpanaw ng isang Saudi national dahil sa MERS-Cov sapagkat kontrolado ang situwasyon. Napatunayan na rin na ang pagpasok na iba't ibang impeksyon ay kontrolado ng pamahalaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |