|
||||||||
|
||
Department of Health, nagkulang sa pagpapatayo ng mga pagawaing-bayan
HINDI nasimulan o matapos ng Department of Health ang mga pagawaing-bayan na nagkakahalaga ng may P 900 milyon. Ito ang ibinunyag ng kampo ni Vice President Jejomar C. Binay.
Ayon sa Commission on Audit, ang Department of Health ay hindi nakapagpagsimula o nakapagpatapos ng health facilities sa Cordillera Administrative Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanaom SOCSKARGEN at CARAGA regions.
Sinabi ng Commission on Audit na ito ay naganap sapagkat hindi nakasunod ang mga kontratista sa mga deadline at hindi naayos ang mga depektong napuna ng mga inspector.
Ibinalita ni Joey Salgado, ang media affairs chief ni Vice President Binay na mula sa COA 2014 report, nabatid na halos P900 milyon halaga ng mga proyekto sa walong regional offices ang hindi natapos o nasimulan man lamang haggang sa huling araw ng Disyembre noong 2014.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |