|
||||||||
|
||
MMDA Chairman Tolentino, humingi ng paumanhin
HUMINGI na ng paumanhin si Metro Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino sa Liberal Party at kay Se cretary Manuel "Mar" Roxas II. Humiling din siyang huwag ng isama sa talaan ng mga kandidadto sa pagka-senador.
Nauna na niyang binanggit na tatakbo siya sa pagka-senador sa ilalim ng Liberal Party hanggang sa naganap ang pagpapasayaw ng mahalay sa tatlong kadalagahang nakasuot ng maiiksing damit na nakipagbastusan sa mga politikong nanumpa sa kanilang partido.
Dahil sa kapalpakang naganap, hindi muna inilabas ng Liberal Party ang kanilang senatorial line-up na nakatakda sanang gawin noong Lunes, ika-lima sa buwang kasalukuyan.
Binanggit ng master of ceremonies sa kaarawan ni Congressman Benjie Agarao na mula kay MMDA Chairman Tolentino ang Playgirls na nagtanghal.
Paglabas ng mga pelikulang mula sa kaarawan naging mainit na paksa sa social media ang kapalpakan ng Liebral Party.
Tinanggap na rin ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang kahilingan ni MMDA Chairman Francis Tolentino na huwag nang isama pa sa mga kandidato sa pagkasenador ng Liberal Party.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |