El Nino, mananalasa sa mga sakahan
IBINALITA ng PAGASA, ang pambansang weather bureau na mananalasa ang El Nino sa Pacific Ocean. Mas matindi ito sa unang inkala. May posibilidad na mahigitan ang naganap noong 1997 hanggang 1998. Tatagal ang El Nino sa Pilipinas hanggang sa buwan ng Hunyo ng 2016. Magkakaroon ng mas mababa sa normal na patak ng ulan at mas mataas sa normal na temperatura bago bumalik sa tag-ulan.
Malaki ang magiging epekto nito sa sahakan at sa enerhiya at maging sa food security. Ang matagalang tagtuyo ay makakabawas ng malaki sa ani ng palay, mais at maging pangsidaan. Noong matinding El Nino noong 1997 hanggang 1998, may 74,000 ektarya ng mga lupain ang napinsala sa 18 mga lalawigan sa Pilipinas. Pinakamatindi ang naganap sa Mindanao na kinatagpuan ng halos kalahating milyong pamilya na naharap sa matinding taggutom. Umabot na sa 32,000 ektarya ng mga palayan ang apektado ng El Nino ngayon.
Ayon sa pagsusuri ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairw (OCHA), apektado ang mga katutubo. Kumikita ang mga katutubo sa pagtatanim ng mais, munggo, mani at mga kamote at iba pang nabubuhay sa ilalim ng lupa. Kumikita sila ng may US$ 210 hanggang 320 sa bawat pag-ani. Sa pagitan ng Nobyembre 2014 haggang April ng taong ito, hindi na sila nakapagtanim pa.
1 2 3 4 5 6