SENADOR GUINGONA, NAKINIG SA HINAING NG MGA LUMAD. Nagsagawa ng pagdinig sina Senador Teofisto Guinona III at Aquilino Pimentel III sa Tandag City kanina. Hinarap nila ang mga Lumad na nagsilikas sa kanilang mga tahanan sa kabundukan. (Larawan ni Alexis Nuevaespana/PRIB)
DUMALAW at nakinig sina Senador Teofisto TG Guingona III at Aquilino Pimentel III sa Tandag City, Surigao del Sur sa mga hinaing ng mga Lumad. Idinulog ng mga katutubo ang kanilang nakalulungkot na kalagayan matapos ang mga pagpaslang sa tatlo nilang kasama kamakailan kasabay ng kanilang paglikas mula sa kanilang mga lupain.
Sinimulan ang pagdinig kaninang umaga sa paanyaya ni Surigao del Sur Governor Johnny T. Pimentel. Libu-libong mga Lumad ang lumikas at dumagsa sa Tandag City.
Sa pagdinig, sinabi ni Senador Guingona na ang mga paglabag sa mga karapatan ng mga Lumad ay talamak at mahalaga sa pamahalaang ibalik ang kapayapaan at kaayusan sa kabundukan.
1 2 3 4