|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Showbizz personality na si Elizabeth Ramsey, pumanaw na
PUMANAW na ang artista at komedyanteng si Elizabeth Ramsey sa edad na 83 taong gulang kaninang umaga.
Isang pahayag ang inilabas ng kanyang anak na si Jaya, isa ring kilalang mang-aawit, sa kanyang Facebook account na and kanyang "Mama Beth ay kapiling na ng Panginoon."
Nagpasalamat siya sa pagmamahal at mga panalanging ipinagkaloob sa kanilang ina. Nagpapasalamat din siya sapagkat pumanaw ang kanilang ina samantalang natutulog.
Idinagdag pa ni Jaya na hindi lamang ang kanilang pamilya ang pinasaya ng kanilang yumaong ina kungdi ang buong bansa.
Wala pang detalyes sa lamay at libing sa beteranang mang-aawit.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |