Pagdadala ng mga sandata, suspendido sa panahon ng APEC
SUSPENDIDO ng Philippine National Police ang mga permisong magdala ng sandata sa Metro Manila mula ika-16 hanggang ika-20 ng Nobyembre sa pagdaraos ng Asia-Pacific Economic Cooperation.
Sinabi ni PNP Director General Ricardo Marquez na ang lahat ng permits to carry firearms outside of residence ay suspendido sa Metro Manila. Napapaloob ito sa isang memornadum na inilabas ng kanyang tanggapan.
Tanging mga PNP, Armed Forces of the Philippines at iba pang law enforcement agencies na may angkop na uniporme ang papayagang magdala ng sandata.
May 20 mga pinuno ng iba't ibang bansa ang nakatakdang dumating sa Maynila mula sa Linggo ng madaling-araw sa pagdating ng pangulo ng Chile.
1 2 3 4 5