|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga mamamahayag, nagsimula ng dumating sa bansa

SECRETARY COLOMA, UMAASANG MAGAGAMIT NG MGA MAMAMAHAYAG ANG MGA PASILIDAD SA PRESS CENTER. Umaasa naman si PCOO Sercretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. na magagamit at mapapakinabangan ng mga mamamahayag ang mga pasilidad na inilagay sa International Media Center sa APEC 2015. Higit na sa 2,000 mga mamamahayag ang nakatala sa pagtitipon. (Melo M. Acuna)
HIGIT sa 400 mga mamamahayag mula sa iba't ibang bansa ang dumating sa Maynila para sa APEC Economic Leaders Week hanggang sa darating na Biyernes sa susunod na linggo.
Mayroong halos isang libong mga mamamahayag mula sa mga himpilan ng radyo't telebisyon at mga bahayagan at new media ang nagpatala sa Media Accreditation and Relations Office (MARO) ng Malacanang upang mag-ulat mula sa mga magaganap sa APEC economic leaders.
Samantala, mayroong 161 kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines ang nagpatala para sa okasyon.
Ang mga kasama sa Asia Pacific economies ay mayroong mga kasamang higit sa 1,200 na kasama ng iba't ibang economic leaders.
Patuloy na kumukuha ng kani-kanilang accreditation documents at identification cards ang mga panauhing mamamahayag.
Samantala, sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. na tiniyak nilang magagamit ng mga mamamahayag ang mga pasilidad na kanilang inilaan para sa isang linggong okasyon.
Kasama sa kanilang paghahanda ang pagkain para sa lahat ng mamamahayag.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |