Mga pagdinig sa mga hukuman, suspendido rin
SUSPENDIDO rin ang trabaho sa mga hukuman sa National Capital Region mula sa Martes hanggang Biyernes dahilan sa mga aktibidad na may kinalaman sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit.
Ayon kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, suspendido ang trabaho sa mga hukumansa National Capital Judicial region, maliban sa mga presiding justices ng Sandiganbayan, Court of Tax Appeals na magkakaroon ng skeletal force upang madaluhan ang mga pangangailangan ng tanggapan tulad ng pagbabalik ng warrants of arrest, executive judges ng first at second level trial courts sa National Capital Judicial Region na kailangang magkaron ng skeletal force para sa emergency filings.
Suspendido ang trabaho sa Supreme Court maliban sa judicial records office, chasier, motor pool, clerk of court en banc para sa en banc session at mga tanggapan ng mga mahistrado.
Suspendido rin ang trabaho sa Court of Appeals maliban sa gma tanggapan na binanggit ng presiding justice.
Walang pagdinig sa mga first at second level courts ng Maynila at Makati dahil sa pagsasara ng mga lansangan.
1 2 3 4 5