|
||||||||
|
||
Pilipinas, nakinabang sa katatapos na APEC Summit
PANGULONG XI JINPING, LUMISAN NA, Umalis na kahapon ng hapon si Chinese President Xi Jinping matapos lumahok sa APEC 2015 Summit sa Maynila. Nagsalita rin siya sa APEC Chief Executive Officers' Summit sa Makati Shangri-La Hotel na nagsabing mahalaga ang "connectivity." (APEC 2015 Secretariat Photo)
SA huling bahagi ng APEC 2015, pinamunuan ni Trade and Industry Secretary Gregory Domingo ang may 21 APEC member economies sa Asia Pacific Economic Cooperation Ministerial Meeting sa Pasay City
Sinabi ni G. Domingo na nakatulong ng malaki ang Pilipinas sa APEC sapagkat nakuha ang suporta ng iba't ibang member economies na magsama-sama sa pagtugon sa mga kakulangan sa ekonomiya, mapanatili ang patagalan at inclusive growth na pakikinabangan ng micro, small at medium enterprises.
Nagtagumpay ang Pilipinas na maisama at mabigyang halaga ang Micro-Small-Medium enterprises sa APEC agenda technical at consultative meetings. Ang Boracay Action Agenda na gawing pandaigdigan ang micro, small, at medium enterprises ay sinangayunan ng lahat ng APEC senior officials sa huling Senior Officials Meeting noong Linggo, ika-15 ng Nobyembre.
Idinagdag pa ni G. Domingo na isang magandang pagkakataon ang paglulunsad ng APEC Trade Repository na katatagpuan ng transparency at connectivity sa APEC region.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |