|
||||||||
|
||
Katayuan ng Pilipinas, maganda ayon sa OECD
IBINALITA ng Department of Foreign Affairs sa 2016 edition ng OECD Economic Outlook for Southeast Asia, China at India, na ang kainalran sa ASEAN 5 economies na kinabibilangan ng Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Thailand at Vietnam ay nagtataglay ng "mild moderation" subalit mananati sa average na 6.5% sa 2016.
Ang Pilipinas ang mayroong pinakamagandang growth perspective na average growth forecast na 6.0% para sa buong taong 2016. Ito ay dahilan sa malakas na domestic demand na nakasalalay sa padalang salapi mula sa mga manggagawang nasa ibang bansa. Ayon sa Outlook, ang Pilipinas ay nagtataglay ng pinakamagandang Foreign Direct Investment destination.
Ito ang ikalawang sunod na taon na ang Pilipinas ang mayroong pinakamagandang growth forecast sa limang bansa sa ASEAN. Ang growth forecastrs sa iba pang bansa sa ASEAN 5 ay 5.9% para sa Vietnam, 5.2% sa Indonesia, 4.6% sa Malaysia, 3.1% sa Thailand samantalang ang growth forecast para sa Tsina ay 6.5 samantalang 7.3% naman ang pagtataya sa India.
Ang lathalain ay taunang nililimbag hinggil sa regional economic growth, development at regional integration process. Nakatuon ito sa economic conditions ng ASEAN member countries at mahahalagang economic issues sa Tsina at India upang Makita ang tunay na kalagayan ng ekonomiya sa rehiyon.
Inilunsad ang 2016 edition ng Outlook sa ASEAN Business Investment Summit sa Kuala Lumpur kanina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |