|
||||||||
|
||
151203melo.mp3
|
Partido Liberal, walang kinalaman sa kaso ni Senador Poe
NANINDIGAN si Senate President Franklin M. Drilon na walang kinalaman ang kanilang partido sa naging desisyon ng Second Division ng Commission on Elections sa usapin ni Senador Grace Poe.
Ang desisyon ng Comelec ay base sa kanilang sariling pananaw kung ano ang batas at kung ano ang detalyes ng mga akusasyon at katotohanan sa likod nito.
Kung mayroon umanong kinalaman ang kanilang partido, marahil na iba ang naging boto ni Senador Paolo Benigno Aquino. Pumabor si Senador Aquino kay Senador Grace Poe. Idinagdag pa ng senador na walang katotohanan ang mga alegasyong may kinamalan ang Liberal Party sa desisyon.
Idinagdag pa ni Senador Drilon na makabubuting desisyunan na ng Korte Suprema ang usaping nasa kanilang tanggapan bago pa man sumapit ang takdang araw na inilaan ng Commission on Elections upang makapaghanda ng mga balotang kailangan.
Ito rin ang paninindigan ng kampo ni Vice President Jejomar C. Binay.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |