Senador Grace Poe, hindi kwalipikadong tumakbo sa panguluhan
NAGDESISYON ang Commission on Elections Second Division na hindi kwalipikado si Senador Grace Poe na tumakbo para sa panguluhan sa 2016.
Tumugon ang Comelec sa petisyon ni Atte. Estrella Elamparo na humiling na huwag patakbuhin ang mambabatas sapagkat hindi siya nanirahan sa Pilipinas ng may sampung taon tulad ng isinasaad sa Saligang Batas.
Sinabi ni Elmparo na mayroong nagawang "material misrepresentation" si Senador Grace Poe sa kanyang Certificate of Candidacy.
Samantala, sinabi naman ni Senador Grace Poe na ipaglalaban niya ang karapatan ng mga batang ampon na magkaroon ng karapatang tumakbo sa panguluhan. Ipaglalaban pa rin niya ang karapatan ng mga mamamayang mamili ng kanilang pinuno.
Naniniwala rin siyang mababaliktad ng Comelec en banc ang desisyon at papanigan ang nais ng mamamayan.
1 2 3 4 5