|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, dadalo sa pagtitipon sa Paris
SA likod ng pagbabanta ng mga terorista, dadalo ang delegasyon ng Pilipinas sa pandaigdigang pagpupulong hinggil sa climate change. Makakasama ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang iba't ibang pinuno ng iba't ibang bansa sa pulong na itinataguyod ng United Nations.
Sinabi ni Climate Change Commissioner Emmanuel de Guzman na naniniwala siyang ligtas ang madla sa anumang panganib. Si de Guzman ang mamumuno sa may 50 kinatawan mula sa pamahalaan, pribadong sektor at civil society organizations mula sa Pilipinas.
Makakasama ni Pangulong Aquino ang higit sa 100 mga pinuno ng mga bansa at pamahalan sa 21st Conference of Parties upang ipasa ang isang kasunduan sa pagitan ng mga bansa upang mabawasan ang carbon emissions at mapanatiling mas mababa sa pre-industrial revolution levels ang temperatura.
Ipinaliwanag ng mga siyektipiko na ang nagbabagong weather patterns at mas malalakas na bagyo ay mula sa mas mainit na daigdig. Ayon kay G. de Guzman, handang tumugon ang mga Filipino sa anumang emergency na maaaring maganap. Mayroon ding contingency plan ang grupo tulad ng kanilang pagtitipunan sa oras na may mga karahasang magaganap.
Kahit pa higit sa 100 katao ang nasawi sa pagpapasabog at pagpapaputok ng mga terorista noong ika-13 ng Nobyembre, walang sinuman sa mga autoridad sa Francia ang nag-isip na huwag ituloy ang pagpupulong.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |