ISANG tagapagsalita ni Senador Grace Poe ang nagsabing umaasa siyang sasang-ayon ang Korte Suprema sa desisyon ng Senate Electoral Tribunal na nagpawalang-saysay sa petisyong patalsikin siya sa Senador dahilan sa kanyang citizenship.
Ayon kay Congressman Rex Gatchalian, umaasa silang papanigan ng Korte Suprema ang desisyon ng karamihan ng mga kasapi sa SET.
Hiniling ng nagpetisyong si Rizalito David sa Korte Suprema na pagbalik-aralan ang desisyon ng siyam kataong SET na bumuto ng 5 laban sa 4 na nagsabing kwalipikado si Senador Grace Poe na manatiling nakaupong senador sapagkat isa siyang natural-born Filipino.
1 2 3 4 5