|
||||||||
|
||
Mahalaga ang Year of Mercy para sa mga mananampalataya
SINABI ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo J. Cardinal Vidal na mahalaga ang deklarasyon ni Pope Francis sa pagbubukas ng pinto sa Basilica ni San Pedro sa Vatican City sa pagsisimula ng Extraordinary Jubilee Year of Mercy.
PAGPAPATAWAD, KAILANGAN. Ito ang mensahe ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo J. Cardinal Vidal sa sang panayam ng CBCP Online Radio lang oras bago sinimulan ang seremonya sa Vatican City sa paglulunsad ng Extraordinary Jubilee Year of Mercy ni Pope Francis. (Melo M. Acuna)
Sa isang panayam sa Collegio Filippino sa Roma, Italya ilang oras bago sinimulan ang seremonya sa Vatican City, sinabi ni Cardinal Vidal na ito ang panahon ng pagpapatawad sapagkat may mga pagkakataon na sa sakit at sama ng loob na natatamo mula sa mapapait na karanasan, naghihirap ang taong magpatawad.
Nananawagan si Pope Francis sa madla na maging mapagpatawad tulad ng Panginong Hesukristo sa pagpaparating ng awa at pagpapatawad sa mga kinikilalang kaaway o kalaban.
Hindi maibibigay ang kapatawaran sa sinuman ng walang pagkilala sa pagkakamali at umamin sa kanilang pagkukulang. Mahalaga ring magkaroon ng pagtitika o pangangakong hindi na magkakamaling muli.
Sa Pilipinas, ipinaliwanag ni Cardinal Vidal, karaniwan na ang pagtatanim ng sama ng loob na kadalasan ay nagtatagal. Sa ganitong pagkakataon, nanawagan ang Simbahan sa lahat na buksan ang sarili at limutin ang mga sama ng loob at poot lalo pa't walang namang sinumang hindi nagkakamali at nagkukulang.
Nakikita umano ang pagtatanim ng sama ng loob sa mga sigalot at 'di pagkakaunawaan ng mga politiko at nararapat lamang na magkaroon ng pagbabago simula sa panahong ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |