|
||||||||
|
||
Mga kandidato sa panguluhan, hiningan ng programa sa human rights
LUMIHAM ang Amnesty International sa mga kumakandidato sa panguluhan na ihayag sa publiko ang kanilang pangakong ipagtatanggol ang Karapatang Pangtao sa oras na sila ay mahalal sa panguluhan.
Sinabi ni Ritz Lee Santos III, chairperson ng Amnesty International Philippines, na pinasasagot nila ang mga kandidato sa kanilang 5-point Human Rights Agenda. Ito ang nakabase sa matagal ng pananaliksik ng Amnesty International, sa mga usapin ng paglabag sa mga karapatan sa sunod-sunod na pangangasiwa ng mga nahahalal sa panguluhan. Napag-usapan na rin ang mga paglabag na ito sa loob ng pamahalaan kaya't kailangan lamang matiyak na maituloy ang mga nasimulan ngayong Aquino administration.
Nagkataon lamang na hanggang ngayon ay walang pang sumasagot sa mga kandidato sa panguluhan.
Bagsak umano ang Aquino Administration sa larangan ng mga pagpatay, labag sa batas na pagdakip, pagkukubli ng mga detention houses, pagdukot at pagkawala ng mga pinaniniwalaang kalaban ng estados at ang pagpapasakit ng mga pinaghihinalaan.
Walang nalagdaang executive order si Pangulong Aquino na tatapusin ang mga enforced disappearances kasama na rin ng mga pagpaslang. Hindi rin napag-aralan ng Aquino Administration ang Witness Protection Program at ang pagpapawalang-saysay sa naunang kautusan sa pulisyang tumulong na sa Armed Forces of the Philippines sa pagsugpo sa mga armadong guerilya sa bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |