|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Budget para sa 2016, pasado na sa bicameral conference committee
NAKALUSOT na sa bicameral conference committee ang panukalang 2016 budget. Ito ang sinabi ni Senate President Franklin M. Drilon sa isang panayam sa mga mamamayahag.
Pinag-uusapan na ang detalyes ng budget at isusumite ngayong hapon sa kanya-kanyang kapulungan upang ipasa ng madla.
Sa bicameral conference committee aayusin ang magkakataliwas na probisyon ng dalawang bersyon, ang mula sa Senado at ang mula sa Mababang Kapulungan.
Ipinaliwanag ni Senador Drilon na ang chair ng senado at kongreso ang magbibigay ng direksyon sa technical panels. Hindi na ididetalye pa ng chairman ng dalawang kapulungan ang pinakamumunting detalyes (probisyon).
Sa susunod na linggo ay malilimbag na ang General Appropriations Act at maisusumite na sa tanggapan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III. Bibigyan ang pangulo ng humigit kumulang sa isang linggo at mapaghandaan kung ano pa ang nararapat baguhin. Sa oras na walang babaguhin sa panukalang budget ay malalagdaan na ng pangulo kasama ang mga pinuno ng magkabilang kapulungan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |