|
||||||||
|
||
Cardinal Vidal, umaasang makadadalo sa darating na 51st International Eucharistic Congress
INAANYAYAHAN ni Arsobispo Ricardo J. Cardinal Vidal ang mga Filipino na lumahok sa idaraos ng 51st International Eucharistic Congress sa Cebu City mula sa ika-24 hanggang ika-31 ng Enero 2016.
Umaasa ang cardinal na makadadalo siya sa pagpupulong na ito lalo pa't isa siya sa mga tumanggap ng komunyon noong 1937 ng idaos ang International Eucharistic Congress sa Maynila.
Sa Arkediyosesis ng Cebu, nagpapatuloy ang paghahandang espiritual ng mga mamamayan para sa pandaigdigang pagtitipon. Umaasa rin siyang madaragdagan ang mga nagpapatalang mga banyagang dadalo sa pagtitipon.
Bagama't naka-alerto ang mga alagad ng batas sa Europa, sinabi ni Cardinal Vidal na umaasa siyang matagumpay na maidaraos ang International Eucharistic Congress sa Enero. Naniniwala rin siyang pinaghahandaan ng pamahalaan ang seguridad.
Nakiusap ang cardinal na makiisa ang madla sa pananalanging magiging payapa ang pandaigdigang pagtitipon sa Cebu sa darating na buwan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |