|
||||||||
|
||
Higit sa 20 pasahero ng bus, sugatan sa sakuna
DINALA kaagad ng mga pulis at mga bumbero ang may 24 kataong sugatan sa isang sakuna ng mahulog ang kanilang bus na sinasakysan sa isang sampung-talampakang bangin sa Maharlika Highway bago nag hatinggabi kagabi.
Ayon sa media reports na nakarating sa Maynila, isang Mega Bus na may plate number ng AAI 1363 ang nasa isang kurbada samantalang pababa sa Bagong Silang ng mawalan ng kontrol ang tusper na nakilalang si Felicito Gison. Nahulog sa kanang bahagi ng highway ang bus.
Isang taga-barangay ang tumawag sa pulisya kaya't nabatid nila ang sakuna. Isang koponan ng mga pulis, bumbero at rescuer ang nakarating sa pook, may 20 kilometro mula sa poblacion ng Calauag.
Ayon kay Police Chief Inspector Noel Divino, Calauag Police Station chief, isinugod ang mga biktima sa St. Jude General Hospital sa Calauag at sa Magsaysay Memorial District Hospital sa Lopez, may walong kilometro mula sa Calauag.
Sinisiyasat pa ang tsuper ng bus sa Calauag police samantalang inihahanda ang usaping reckless imprudence resulting in multiple physical injuries at damage to property.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |