Mga pasaway, hindi pa rin mapigilan
NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga tinamaan ng ligaw na bala kasabay ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon. Umabot na sa 51 ang bilang ng stray bullet incidents samantalang may 41 ang nasugatan hanggang kaninang ikawalo ng umaga.
Nagkaroon ng 35 naitala noong katanghalian ng Bagong Taon. Sa monitoring ng pulisya, nakabilang ang isang police officer at isang security guard ang nadakip sa illegal discharge of firearms samantalang mayroong 186 kaso ng illegal possession, paggamit at pagbibili ng paputok.
Sinisiyasat pa nila ang mga nabalitang nasawi dahil sa ligaw na bala.
1 2 3