Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Budget ng Pilipinas sa 2016, nalagdaan na

(GMT+08:00) 2015-12-23 19:40:44       CRI

BUDGET SA 2016 NILAGDAAN NA.  Isa nang ganap na batas ang General Appropriations Act of 2016 sa paglagda ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa simpleng sermonya sa Rizal Hall ng Malacanang kanina.  Nasa kanyang kaliwa si Senate President Franklin M. Drilon at nasa kanyang kanan si House Speaker Feliciano Q. Belmonte, Jr.  (Malacanang Photo)

NILAGDAAN na ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang P 3.002 trilyong budget para sa 2016.

Naganap ang paglagda sa 2016 General Appropriations Act sa Rizal Hall ng Malacanang at sinaksihan ng mga kasapi ng dalawang kapulungan ng kongreso at ilang mga opisyal ng pamahalaan.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Aquino na tuloy ang pagbuhos ng pondo sa mga serbisyong panglipunan. Mas mataas ito ng P396 bilyon sa nakalipas na budget.

Napapaloob sa social services ang pabahay, kabuhayan at community-driven projects na nagkakahalaga ng P1.106 na trilyon o 36.8 % na buong budget.

Nadoble umano ang national budget noong 2010 at naglalaan ng pinakamalaking alokasyon sa serbisyong panglipunan.

Sinabi ni Budget and Management Secretary Florencio Abad na ang budget sa 2016 ang ika-anim na taong sunod na naipasa ayon sa schedule.

Ipinaliwanag pa niyang ito ang pagpapakita ng pamahalaan ng pangakong pagtutuunan ng pansin ang social services na pakikinabangan ng mga mamamayan.

Ang economic services ay nagkakahalaga ng P829.6 bilyon o 27.6% ng bagong lagdang budget. Sasaklaw ito sa pagawaing bayan, pagsasaka, at maging transport and communications.

Ang Department of Education ang nakatanggap ng pinakamalaking bahagi ng budget na nagkakahalaga ng P437 bilyon. Kasunod ng DepEd ang Department of Public Works and Highways na nagkaroon ng P400.4 bilyon, Department of National Defense na mayroong P175.2 bilyon, Department of Interior and Local Government na mayroong P154.5 bilyon at Department of Health na mayroong P128.5 bilyon.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>