|
||||||||
|
||
20160218melo.mp3
|
Pulisya, alertado matapos ang madugong ambush sa Cagayan
MGA PULIS ALERTADO MATAPOS ANG MADUGONG SAGUPAAN SA CAGAYAN KAMAKALAWA. Ito ang sinabi ni Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng Philippine National Police sa isang panayam sa kanyang tanggapan kaninang umaga. Ani C/Supt. Mayor, wala pa slang nakikitang koneksyon ng pananambang sa politika subalit handa rin solang mapanatiling malinis at maayos ang darating na halalan sa Mayo. (Melo M. Acuna)
NAKA-ALERTO ang mga tauhan ng Philippine National Police sa buong bansa matapos ang madugong pananambang na ikinasawi ng anim nilang mga tauhan kamakalawa.
Sa isang panayam kay Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, na bagama't wala silang nakikitang koneksyon sa politika ang pananambang sa mga pulis, nag-utos na si PNP Chief Director General Ricardo Marquez na magbantay lalo pa't nalalapit na ang halalan.
Niliwanag ni G. Mayor na nagtungo ang mga pulis sa pook upang tumulong sa pagsisiyasat sa panununog na ginawa ng mga rebelde sa isang kumpanyang sangkot sa pagtatayo ng isang dam sa lalawigan.
Ayon sa ulat na nakarating sa Campo Crame, mga ikasampu ng umaga noong Martes, dalawang seksyon ng Regional Police Security Battalion sa ilalim ni Supt. Juan R. Aggasid, acting battalion commander, ang nakasagupa ng isang grupo ng mga armadong guerilya ng New People's Army sa barangay Sta. Margarita, Baggao, Cagayan.
Nagkaroon ng reinforcement ang mga tauhan ng pulisya at mga kawal ng 17th Infantry battalion. Gumamit din sila ng helicopters mula sa Philippine Air Force. Anim na pulis ang nasawi samantalang 11 ang sugatan sa pamumuno ni Police Chief Inspector Arnel L. Acain. May apat na iba pang bahagyang nasugatan. Ang mga ito ay isinugod sa Dr. Ronald P. Guzman Medical Center upang magamot.
May dalawang mga guerilya ang nabalitang nasawi sa sagupaan . Nakabawi sila ng isang Ferfrans Assault Rifle at isang bandolier sa lugar ng sagupaan.
Sa kautusan din ng pinuno ng Philippine National Police, pinagagawa na ang local police directors na pagsusuri sa mga nagaganap sa kanilang kapaligiran sa halip na ang higher headquarters.
Kabilang sa kanilang masugid na binabantayan ang mga lalawigan ng Pangasinan, Masbate, Negros Oriental, Western Samar, Maguindanao at Lanao del Sur.
Higit na umano sa isang libo katao ang nadakip sa ipinatutupad na gun ban at sa checkpoints. Maliwanag na saklaw ng Armed Forces of the Philippines ang internal security operations kaya't ang papel ng Philippine National Police ay tumulong sa abot ng kanilang makakaya sa pagpapanatili ng payapang mga barangay.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |