|
||||||||
|
||
Hepe ng UNESCO, kinondena ang pagpaslang sa isang radio reporter
NANAWAGAN si UNESCO Director-General Irina Bokova sa mga autoridad sa Pilipinas na magsiyasat sa pagkasawi ng mamamahayag na si Elvis Ordaniza sa Mindanao kamakailan.
Ani Director General Bokova na nakikiisa siya sa pagkondena sa pagpaslang kay Ordaniza kasabay ng panawagang papanagutin ang mga may kagagawan.
Nasawi si G. Ordaniza, isang crime reporter sa dxWO Power 99 FM Radio noong Martes, ika-16 ng Pebrero sa Mindanao.
Madalas maglabas ng pahayag ang UNSECO sa mga pagpaslang ng mga mamamahayag ayon sa Resolution 29 na UNESCO Member States sa General Conference noong 1997 na pinamagatang "Condemnation of Violence Against Journalists."
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |