Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mangangaral na Saudi national, binaril sa Zamboanga kagabi

(GMT+08:00) 2016-03-02 19:05:59       CRI

Tubig sa Laguna de Bay, ginagamit na ng mga mamamayan

NILILINIS na ang tubig na mula sa Laguna de Bay at ibinabalik na sa Metro Manila Waterworks and Sewerage System upang magamit ng mga concessionaire sa kalakhang Maynila.

Magugunitang sinabi ni Engr. Jorge Estioko ng National Water Resources Board na nagkakaroon na ng recycling ng tubig mula sa pinakamalaking lawa sa Pilipinas upang mapunuan ang kakulangan sa tubig sa lumalaking populasyon.

WATER TREATMENT SA LAGUNA DE BAY, NAGSIMULA NA.  Nagsisimula na ang water treatment mula sa Laguna de Bay, ang pinakamalaking laws sa Pilipinas upang matugunan ang pangangailangan ng dalisay na tubig sa Metro Manila at kalapit-pook.  Ito ang sinabi ni Guenter Taus, panful ng JEC Philippines at European Chamber of Commerce of the Philippines sa isang panayam.  Sa oras na matapos ang kanilang bagging plants, makapaglalabas ito ng 150 milyong litro ng tubig bawat araw. (Melo M. Acuna)

Sa isang panayam kay Guenter Taus, pangulo ng JEC Philippines at European Chamber of Commerce of the Philippines, mayroon na silang ilang proyektong sangkot sa paglilinis ng tubig mula sa Laguna de Bay.

Ginagawa na nila ang pinakamalaking pasilidad na maglalabas ng dalisay ng tubig na aabot sa 150 milyong litro sa bawat araw upang maidagdag sa tubig na gagamitin ng mga taga-Metro Manila at kalapit pook.

Sa kakulangan ng tubig mula sa mga bukal, ang paglilinis ng tubig mula sa lawa at may kamahalan. Dahil sa kakapusan ng pinagkukunan ng tubig, lumalabas na mapakikinabangan ang kanilang ginagamit na teknolohiya.

Ipinaliwanag pa ni G. Taus na hamak na mas mura ang kanilang ginagawang paglilinis o water treatment kaysa ginagawang desalination o pag-aalis ng alat sa tubig mula sa karagatan. Sa oras na lumabas ang treated water sa kanilang planta, magagamit na ito ng mga mamamayan sa iba't ibang kagamitan.

Ani G. Taus, ang desalination ang pinakamalawak na paraan ng paglilinis ng tubig para sa mga tao.


1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>