|
||||||||
|
||
Kalihim Lacierda, umaasang gaganda ang tayo ni G. Mar Roxas
NANINIWALA naman si Presidential Spokesman Edwin Laciera na unti-unting aangat ang kandidatura ni dating Interior and Local Government Secretary Manuel Araneta Roxas II sa mga susunod na panahon.
Ito ang sinabi ni G. Lacierda matapos lumabas ang pinakahuling Pulse Asia survey na pang-apat pa rin ang pambato ng Aquino Administration.
Numinipis na ang agwat ng mga kandidato sa bawat isa, makikita na ng mga mamamayan ang mga kandidatong nangangako ng reporma ang siyang aangat bago sumapit ang halalan.
Umaasa pa si G. Lacierda na sa oras na lumiwanag ang lahat, magsasasabay nang makita ang mga pagkakaiba ng mga kandidato sa pangka-pangulo at pangalawang-pangulo.
Ginawa ng Pulse Asia ang survey na kinatampukan ng 1,800 respondents. Lumabas na sina Senador Grace Poe at Vice President Jejomar C. Binay ang posibleng magwagi kung ang presidential elections ay gagawin sa pag-itan ng Ika-15 at ika-20 ng Pebrero.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |