|
||||||||
|
||
Headline inflation, bumaba sa 0.9%
BUMABA ang headline inflation sa 0.9% noong Pebrero mula sa 1.3% noong Enero at nasa loob ng range forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas na mula sa 0.9 hanggang 1.7% para sa buwan ng Pebrero.
Ayon sa pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang inflation rate mula noong unang araw ng Enero ay umabot sa 1.1% at mas mababa sa inflation target na 3.0% at += na 1.0 percentage point para sa 2016.
Ang core inflation na hindi kinabibilangan ng mabuway na pagkain at energy items upang makita ang price pressures, ay bumaba ng 1.5% noong Pebrero mula sa 1.8% noong Enero.
Samantala, ang month-on-month seasonally-adjusted basis, ang inflation ay naging matatag sa 0.1% noong Pebrero.
Ang pagbaba ng inflation reading noong Pebrero ay dahilan sa pagbaba ng presyo ng ilang non-food items. Ang non-food inflation ay naganap dahil sa mas mababang presyo ng gasolina at liquified petroleum gas na naging dahilan ng pagbaba ng pasahe sa ilang mga rehiyon. Ang food inflation ay bumagal din dahil sa pagbaba ng presyo ng bigas kung ihahambing sa presyo noong 2015.
Sinabi ni Governor Amando M. Tetangco, Jr. na ang February inflation ay patuloy na sumusuporta sa pananaw ng BSP na within-target inflation sa susunod na dalawang taon. Babantayan pa ng BSP ang nagaganap na paggalaw ng presyo sa mga pangangailanagan ng mga tao.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |