|
||||||||
|
||
Tagausig, natapos na ng paglalahad ng sumbong sa Tax Court
NATAPOS na ng mga taga-usig ang paglalahad ng mga ebidensya sa Court of Tax Appeals Second Division sa kasong tax evasion laban sa dating military comptroller na si Major General Jacinto Ligot at kanyang maybahay na si Erlinda.
Binigyan ang mga taga-usig ng 30 araw na magsumite ng kanilang ebidensya samanatalng binigyan ang mga akusado ng 15 araw na magsumite ng kanilang pahayag.
Mahalaga ang formal offer of evidence sapagkat maipaliliwanag ng nag-aalok ng mga ebidensya na sabihin sa hukuman ang dahilan sa pagkakaroon ng mga exhibit. Kung wala ang formal offer of evidence, mahihirapan ang hukuman na mabatid kung ang mga ito.
Babalik ang mga akusado sa ika-apat ng Mayo upang mag-alok ng kanilang mga ebidensya.
Nahaharap sila sa ilang tax evasion cases sa paglabag sa Articles 254 at 255 ng National Internal Revenue Code sa pagtatangkang umiwas magbayad ng buwis mula 2002 haggang 2004.
Nagkaroon umano ang mag-asawa ng total deficiency na P 153.2 milyon sa taong 2003 na hindi pa kasama ang interes at mga kaukulang multa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |