Comelec, inutusan ng Korte Suprema na maglabas ng resibo
INUTUSAN ng Korte Suprema ang Commission on Elections na buhayin ang vote verification feature ng vote counting machines upang makapaglabas ng resibo sa mga botante matapos makaboto sa darating na Mayo 9,2016.
Inaatasan ang Comelec na buhayin ang vote verification feature ng vote counting machines na naglilimbag ng mga piniling kandidato samantalang nag-uutos ding gumawa ng guidelines upang maauyos ang paglalabas at pagtatapon ng mga resibo upang matiyak ang malinis at maayos na halalan subalit hindi ito limitado na matapos ang voter verification, ang mga resibo ay nararapat ilagay sa hiwalay na urna at hindi ilalabas ng presinto.
Ito ang nilalaman ng desisyon. Pinaboran ng Korte Suprema ang petisyon ni Senador Richard Gordon.
Sa kanyang petisyon, sinabi ni Gordon na nararapat ipatupad ang Section 7 (e) ng Republic Act No. 9369 o Automated Election Law na nagsasaad na ang Voter Verification Paper Audit Trail ay isa sa minimum system capabilities ng automated election system at isang mahalagang bahagi ng vote-counting machines.
1 2 3 4