Mga manggagawa, nakauwi mula sa Libya
MAY 24 na mga manggagawang Filipino ang natulungan ng Embahada ng Pilipinas sa Tripoli na makauwi kamakalawa. Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs, tuloy ang mandatory repatriation program dahilan sa panganib na kinakaharap ng mga mamamayang Pinoy sa magulong bansa.
Tuloy pa rin ang panawagan sa mga Filipino na nasa Libya hanggang ngayon na gamitin na ang mandatory repatriation program.
Haggang noong nakalipas na Linggo, umabot na sa 5,688 na Filipino ang nakauwi sa Pilipinas samantalang mayroon pang 2,940 ang nananatili sa magulong bansa.
1 2 3 4