Senador Santiago, hindi makadadalo sa Comelec debate sa Linggo
HINDI makakasali sa debate sa darating na Linggo si Senador Miriam Defensor-Santiago matapos tanggaping makalahok sa isang clinical trial para sa isang bago at hindi pa pinapangalanang gamot laban sa cancer.
Sinabi ni Senador Santiago na lumahok siya sa international clinical trial upang magkaroon ng free access sa gamot na magkakahalaga ng kalahating milyong piso sa bawat tatlong linggo. Kailangan niyang magtungo sa outpatient radiation treatment sa pagamutan sa madaling panahon.
Sinabi ng mambabatas na susubukan niyang makalahok sa ikatlo at huling presidential debate kung hindi siya pagbabawalan ng paggamot sa kanyang karamdaman.
Ikinalulungkot niya ang hindi paglahok sa debate subalit mas mabuti na itong mawala ang cancer at lumakas siya at makapaglingkod sa mga mamamayan.
1 2 3 4